
Hindi na nakapalag pa ng arestuhin ng mga operatiba ng Marikina City Police Station ang isang 40-anyos na lalaking wanted sa kasong Qualified Theft.
Nasakote sa mismong ground floor ng naturang istasyon sa Barangay Fortune, Marikina City ang akusadong kinilala sa alyas ‘Rafael’.
Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 247 noong March 7, 2019.
Samantala, may inirekomendang piyansa naman ang korte na nagkakahalaga ng 40,000 pesos para sa pansamantalang paglaya nito.
Sa ngayon ay mananatili si alyas ‘Rafael’ sa custodial facility ng Marikina CPS.
Facebook Comments










