
Isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa ng menor de edad ang naaresto sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan sa isinagawang manhunt operation ng pulisya.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon noong Pebrero 4, 2026 nang isagawa ang Oplan Manhunt Charlie sa Barangay La Luna, Santo Tomas, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 49-anyos na lalaking residente ng nasabing barangay.
Isinilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest na inilabas noong Enero 28, 2026 para sa kasong Qualified Rape o Rape of Minor sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nakasaad sa warrant na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago iharap sa korte.










