Lalaking wanted sa panghoholdap, timbog!

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga pulis ang notorious na holdaper sa Metro Manila.

Kinilala ang suspek na si Ronnel Guerrero at kasama nitong si Gervy Magno na nahuli sa follow up operation sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa San Juan police, matagal ng wanted ang suspek na responsible sa mga holdapan sa lungsod.


Aniya, naging madulas sa mga awtoridad ang mga suspek pero may nakapagturo sa kanila kung saan ito nagtatago.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre 38 na baril at ilang pang gamit nito sa panghoholdap.

Nahaharap ang mga suspek sa patung-patong na kaso ng robbery.

Facebook Comments