Lalaki,Pinagtataga ng Kainuman!

San Mariano, Isabela- Nakaratay parin sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang kainuman matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

Ang biktima ay nakilalang si Samson Galindes nasa hustong gulang may asawa at residente ng barangay Daragutan East,San Mariano,Isabela.Samantalang ang suspek ay kinilalang si Boyet Mansibang, Apatnaput pitong taong gulang may asawa,magsasaka at kapwa residente sa naturang barangay.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN News Cauayan kay Police Chief Inspector Vicente Guzman Jr. hepe ng kapulisan sa naturang bayan,bandang alas otso kagabi Marso 22,2018 habang nag iinuman ang suspek at biktima kasama ang isa pang kaibigan sa tahanan mismo ng pinaghihinalaan ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at dahil sa napikon ang suspek ay agad na kumuha ng itak at pinagtataga sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.


Agad na isinugod ang sugatang biktima sa San Mariano Community Hospital,samantalang ang suspek ay agad na naaresto ng mga rumespondeng mga alagad ng batas,at maging ang itak na ginamit sa krimen.

Sa ngayon ay nakakulong na ang pinaghihinalaan sa lock up cell ng PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

Facebook Comments