Lalalaking Tulak ng Droga, Patay Matapos Manlaban sa Buy Bust!

*Ilagan City, Isabela- *Patay ang isang lalaking tulak ng droga matapos manlaban sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad pasado alas dos kaninang madaling araw sa brgy. Sto Tomas, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas Bryan, nasa tamang edad at residente ng probinsya ng Cagayan.

Sa ng RMN Cauayan kay PO2 John Paul Nicolas, imbestigador ng PNP Ilagan City, ikinasa ng mga kasapi ng PNP Ilagan ang buy bust operation kasama ang iba pang mga otoridad laban kay Bryan kung saan binentahan nito ang isang agent na nagpanggap na bumibili ng droga.


Natunugan umano ng suspek ang patibong ng mga otoridad kaya’t ipinutok nito ang kanyang dalang baril na agad namang dinipensahan ng mga pulis.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa dibdib ang suspek at isinugod pa sa pagamutan subalit Dead on Arrival na ito.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre trentay otsong baril na may apat na bala, isang basyo ng bala, dalawang cartridge ng kalibre 9mm at dalawang piraso ng tig-isang libong piso.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya na sa City of Ilagan ang mga labi ni Bryan.

Facebook Comments