Lalawigan ng Albay, niyanig ng magnitude 3.9

Albay – Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Albay, dakong alas 11:39, linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng pagyanig sa anim na kilometro, timog-kanlurang bahagi ng Malilipot, Albay.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman naman ang intensity IV sa Guinobatan, Albay habang nakapagtala ng instrumental intensity IV sa Legazpi City.

Wala namang naitalang pinsalang sa naturang lindol.

Facebook Comments