Basilan, Philippines – Ramdam na ngayon sa lalawigan ng Basilan ang pagpapatupad ng martial law sa impormasyon nakalap ng RMN-Zamboanga, makikita ang buong pwersa ng mga sundalo at PNP at mga tanke ng militar sa centro ng Isabela City.
Nagpatupad na rin ng curfew hour sa buong lalawigan mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, hinihingan ng mga ID ang mga residente na dumadaan sa mga checkpoints ng militar upang siguraduhin na walang mga masasamang loob ang siyang makakita ng bentaha gawin ang kanilang masamang balak .
Sa Maluso, Basilan naman isa-isa umano pinpababa ang mga pasahero ng mga PUJ’S at istriktong ini-inspeksyon ang kanilang mga gamit.
Sa kabila ng law enforcement operation ng militar laban sa bandidong grupo Abu Sayyaf , naging pabor rin ang declaration ng martial law sa nasabing lalawigan dahil sa presensya ng ASG, ang Joint Task Force Basilan mas pinaigting ang seguridad sa buong lalawigan.
DZXL558, Melanie Guanzon