Lalawigan ng Bataan, isinailalim sa ECQ

Inanunsiyo ng Malacañang ang pagsasailalim sa buong lalawigan ng Bataan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Epektibo ito simula ngayong araw at tatagal hanggang Agosto 22 bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-apruba sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.


Matatandaang una rito ay nasa ilalim ng modified ECQ ang Bataan hanggang Agosto 15.

Samantala, noong Huwebes ay inaprubahan din ni Pangulong Duterte ang pagsasailalim sa ECQ ng lalawigan ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Facebook Comments