Lalawigan ng Batangas, ideneklara nang ASF-Free Area ng DA

Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na anim sa labing walong areas sa Region 4A partikular sa Batangas ang ideneklara nang African Swine Fever (ASF) -Free Zone ng DA.

Kinabibilangan ito ng mga munisipalidad ng Rosario, Malvar, Taysan, San Jose, Nasugbu at Lipa City sa Batangas.

Naging matagumpay umano ang pagtutulungan ng Local Government Units (LGUs), hog raisers organizations at iba pang stakeholders na bumuo ng Technical Working Group on African Swine Fever na tinawag na Bantay ASF sa Barangay .


Paliwanag ng DA sa panahon ng paglaban sa ASF ilang bayan ang isinama sa Red Zone Areas na nagresulta ng restricted movement ng mga baboy .

Matapos ang 16 na buwan nagawa ng public at private sector na maresolba ang kaso ng ASF sa nabanggit na lugar.

Facebook Comments