Lalawigan ng Bulacan, nakapagtala ng pinakamalaking nagastos na confidential funds noong 2023 —COA

Nilabas ng Commission on Audit (COA) ang listahan ng gumamit ng confidential funds noong 2023.

Ilan sa mga nakalistang lalawigan ayon sa ulat ng ahensya ay ang Bulacan, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pampanga.

Nangunguna ang Bulacan kung saan P200-M ang ginasta ng lalawigan, katulad noong 2022 kung saan umabot na ito sa P400-M kabuuang bilang.


Pumangalawa naman ang Bataan, na umabot sa P38-M at bahagyang bumaba ito mula sa P56-M noong 2022.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Zambales, kung saan muling nakapagtala ito ng P36-M paggasta mula 2022 at 2023.

Pumapang-apat naman ang Tarlac kung saan bumaba ito sa P18.8-M noong 2023 kumpara sa P72-M nito noong 2022.

Tanging Pampanga lamang ang tumaas ang paggamit ng confidential fund mula sa P11.25-M noong 2022, naging P15-M ito noong 2023.

Ang lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora lamang ang nakapagtala ng zero o walang ginastos na confidential funds

Walang inisyu na Notice of Disallowance sa limang lalawigan na gumami ng confidential funds ayon sa COA.

Facebook Comments