Lalawigan ng Cagayan at Batanes, naghahanda na sa paghagupit ng Bagyong Kiko

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Cagayan at Batanes sa posibleng paghagupit ng Bagyong Kiko sa kanilang lugar.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, una nang pinalikas ang mga pasyente na nasa tents ng Cagayan Valley Medical Center kung saan karamihan ay positibo sa COVID-19.

Nakataas na rin ang red alert sa buong Cagayan at inaasahang ngayong araw ay sisimulan na ang preemptive evacuation sa mga maaapektuhang residente.


Samantala, nakaantabay na rin 24 oras ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Batanes Governor Marilou Cayco.

Ito ay sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga alkalde upang i-activate ang Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na mangunguna sa paglikas sa mga residente.

Facebook Comments