Lalawigan ng Catanduanes, idineklara bilang Abaca Capital of the Philippines

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 1170 na nagdedeklara sa lalawigan ng Catanduanes bilang Abaca Capital of the Philippines.

Kinikilala ng nasabing batas ang importansiya ng industriya ng abaca sa pag-angat, pang-export at makakatulong sa kita ng gobyerno.

Inaasahang makikilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang pinakamalaking producer ng abaca at magbibigay ng trabaho sa mga maliliit na magsasaka sa mga kanayunan.


Nangunguna ang Catanduanes sa pinakamataas na produksyon ng abaca sa buong bansa kung saan 80 percent ng pananim nito ay nsa Bicol Region.

Samantala, idineklara din ni Pangulong Duterte ang San Jose, Batangas bilang Egg Basket of the Philippines.

Batay sa Republic Act 11707, kinikilala nito ang kontribusyon ng industriya ng itlog sa ekonomiya ng local at national level.

Ang bayan ng San Jose ang may pinakamataas na produksyon ng itlog na umaabot sa 70,000 tonelada kada taon at nakakapag-contribute ng 12% production sa bansa.

Facebook Comments