Lalawigan ng Imus sa Cavite, nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ni Cavite Governor Jonvic Remulla na isang seaman na residente ng Imus ang nagpositibo sa sakit.

Ilang araw matapos dumating sa bansa galing Japan, sumama aniya ang pakiramdam nito.

Sa ngayon ay maroong 29 na patient under investigation sa Cavite kung saan 24 rito ang nagnegatibo sa COVID-19 habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa limang iba pa.


Suspendido naman hanggang Sabado, March 14 ang klase sa buong lalawigan.

 

Facebook Comments