Lalawigan ng Isabela, muling isinailalim sa GCQ

Muling isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang lalawigan ng Isabela mula sa Modified GCQ dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop nito ang buong Isabela maliban lamang sa Santiago City.

Mismong si Isabela Governor Rodito Albano aniya ang humiling sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maipatupad muli ang GCQ sa lalawigan dahil sa tumaas na attack rate sa Isabela sa nakalipas na dalawang linggo.


Maliban sa Isabela, ang iba pang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ hanggang Dec. 31 ay ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, at Davao City.

Facebook Comments