Lalawigan ng Isabela Niyanig ng Lindol…Kuno

Ilagan, Isabela – Isang malakas na lindol ang tumama sa Isabela.

Sa kunwaring kaganapang ito umikot ang aktibidad na isinagawa sa kapitolyo ng Isabela eksakto alas nuebe ng umaga, Setyembre 27, 2017.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina PDRRMO Edmond Guzman, Public Safety Officer Atty Constante “Watu” Foronda, Provincial Security Group Chief Jimmy Rivera at mga empleyado ng kapitolyo.


Sa nangyaring earthquake drill ay ipinakita ang kakayahan ng lalawigan sa pagtugon sa nasabing sitwasyon.

Magugunita na ang Isabela ay magkasunod na taon nang nakatanggap ng Kawad KALASAG na kumikilala sa kahandaan ng lalawigan sa pagresponde sa kalamidad.

Facebook Comments