Idineklara na ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang pagsasailalim sa lalawigan sa State of Calamity ngayong araw.
Ito ay sa bisa ng inaprubahang Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 1410-2025, kung saan ito ay bunsod ng matinding epekto nagdaang Bagyong Dante at Bagyong Emong, maging Habagat sa buong probinsya.
Patuloy naman ang isinasagawang rescue operations ng awtoridad sa iba’t-ibang apektadong lugar sa lalawigan dahil sa nararanasang mataas na pagbaha kasunod ng pananalasa ng bagyong Emong.
Samantala, ayon sa ilang residente ng La Union, karamihan umano sa mga damages ay ang nagtumbaang mga puno dahil sa lakas ng hangin na dala ng Bagyo.
Pinag-iingat ang publiko, habang nagpapatuloy na na ring relief operations sa mga apektadong residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









