Lalawigan ng Masbate, dalawang beses niyanig ng lindol ngayong umaga

Naramdaman ang dalawang magkahiwalay na lindol sa lalawigan ng Masbate kaninang madaling araw.

Unang naramdaman ang 3.7 magnitude na lindol pasado ala-1:49 kaninang madaling araw kung saan ang episentro nito ay nasa layong 13 kilometer South ng Bayan ng Claveria ng naturang lalawigan.

May lalim itong 98 kilometers.


Pagsapit naman ng alas-02:06 ng madaling araw, naramdaman naman ang 3.0 magnitude sa Bayan ng Baleno ng naturang lungsod.

Nakita ang episeniyo sa layong 30 kilometers east ng nasabing bayan at may lalim ito ng 10 kilometers.

Parehong tectonic ang pinagmulan ng nasabing dalawang lindol.

Batay sa abiso ng PHIVOCLS, hinid konektado ang mga nangyaring pagyanig sa dalawang bayan ng naturang lalawigan.

Hindi rin ito nag labas ng stunami alert at walang ring inaasahang mga aftershock nadulot ng pagyanig.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), wala ring nasugatan o nasaktan at nasirang mga ari-arian ng dahil sa lindol.

Facebook Comments