Lalawigan ng Masbate, nakapagtala ng mga aftershocks kasunod ng nangyaring magnitude 6.6 na lindol

Nakapagtala ng may kalakasang mga aftershocks sa Masbate matapos ang pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan noong August 18, 2020.

Batay sa Philvolcs, unang naitala ang magnitude 3.6 na pagyanig sa layong 13 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan bandang alas-9:02 kaninang umaga at may lalim na 11 kilometers.

Alas-9:11 ng umaga naman nang naitala rin ang magnitude 3.0 na pagyanig sa layong 8 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan at may lalim na 18 kilometers.


Alas-9:53 ng umaga naman nang naitala ang magnitude 2.8 na pagyanig sa 34 kilometers southeast ng Claveria, Masbate at may lalim na 33 kilometers.

Nakapagtala rin ng pagyanig ang mga sumusunod na lugar may instrumental intensities:
• Intensity III – Masbate City
• Intensity I – Naval, Biliran

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian ng nangyaring mga aftershocks.

Facebook Comments