LALAWIGAN NG PANGASINAN KINILALA BILANG BEST LGU ADVOCATE FOR STATISTICS NG PSA

Personal na tinanggap mismo ng gobernador ng Pangasinan na si Governor Amado I. Espino III ang isang pagkilala at parangal mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kasabay ng isinagawang awarding ceremony na isinagawa sa Provincial Capitol kahapon, Agosto 10.

Ang parangal na natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ay isang National Award mula sa PSA dahil nakamit ng lalawigan ang mga criterias para mahirang bilang Best Local Government Unit Advocate for Statistics.

Ito ay dahil sa determinasyon ng kasalukuyang administrasyon sa lalawigan at dedikasyon para sa layuning mapaunlad ang probinsiya sa pagsasagawa ng statistical advocacy activities mula Enero hanggang Disyembre taong 2019.


Samantala, matatandang hindi lang ito ang natanggap ng probinsya kung saan na namang itinanghal ang Pangasinan bilang Best Province Implementer sa Region 1 ang LGU-Pangasinan kasabay ng 31st National Statistics Month na ginanap noong October 2020 at humakot pa ng maraming parangal noong mga nagdaang taon.

Facebook Comments