Umabot na ng mahigit tatlong-daan ang kaso ng hand-foot-and-mouth disease sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, sinabi nito na may mga lugar na aniya na nasa watchlist ng PHO kaugnay sa nasabing sakit.
Kasama sa mga binabantayang lugar ay sa bayan ng Rosales, Balungao, Burgos, Umingan at San Manuel.
Aniya, nasa 336 na ang kumpirmadong kaso na ng HFMD ang naitala sa Pangasinan, kung saan ay may mga bayan na silang nasa PHO watchlist.
Payo ng PHO na ugaliing maghugas ng kamay at ilan pang pag-iingat pangkalusugan para maiwasan ang nasabing sakit. |ifmnews
Facebook Comments