Inihayag ngayon ng 71st Infantry Battalion, Armed Forces of the Philippines sa lalawigan na ang probinsya ng Pangasinan ay nananatiling insurgency free ngayon.
Sa isinagawang joint meeting kasama ang Provincial Development Council, Provincial Peace and Order, at Provincial Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ay isiniwalat ni 71st Infantry Battalion Commanding Officer na si LTC. Michael Bautista, NF (GSC) PA na ang lalawigan ay nanatiling insurgency free pa rin.
Ayon pa sa kanya, ito ay dahil sa pinagsama-samang layunin sa pagsisikap ng mga nagpapatupad at nagpapanatili ng kapayapaan tulad ng mga peacekeeping forces at ng ibat-ibang LGUs sa lalawigan.
Binigyang diin ng opisyal ang pagpapatupad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ng pamahalaan.
Ikinatuwa naman ito ng probinsya sa pangunguna ng Gobernador na si Gov. Guico ang pagiging insurgency free ng lalawigan ay magiging salik at magiging daan para sa pag-unlad nito kung saan pinahahalagahan ng pamahalaan ang pagpapanatili ng seguridad dito.
Sa ngayon, hiling ng Philippine Army sa pamahalaang panlalawigan ang muling pagpapatibay ng pagpapanatili ng pagiging insurgency free ng lalawigan kung saan sinang-ayunan ito ng gobernador bilang chairman ng Provincial Peace and Order Council.
Samantala, sinabi ni Vice Gov. Mark Lambino na kailangang magpasa ng PNP at AFP ng isang resolusyon at ito ay dadaan sa Sangguniang Panlalawigan para sa deliberasyon.
Ayon pa kay Bautista, na ang mga napapabalitang mga rebel returnees o mga nagbabalik loob sa probinsya ay na ng mga ito na maalis ang kanilang mga pangalan sa listahan bilang mga tiwali sa pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments