Lalawigan ng Quirino, Nasa ‘High Risk Epidemic’

41

Cauayan City, Isabela- Nasa ‘High Risk’ sa COVID-19 ang lahat ng mga bayan sa Lalawigan ng Quirino tulad ng Aglipay, Diffun, Maddela, Cabarroguis, Nagtipunan at Saguday.

Batay ito sa pinakahuling datos ng DOH Region 2 as of September 6, 2021 kung saan ang mga nabanggit na bayan ay tumataas pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo o mataas ang Average Daily Attack Rate.

Samantala, ang lalawigan ng Quirino ay kasalukuyang sumasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) na magtatagal hanggang September 30, 2021.


Sa kasalukuyan, mayroong 451 aktibong kaso ng COVID-19 ang Quirino.

Umaabot na rin sa 3,600 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan ang 3,043 rito ay nakarekober na samantalang ang 106 ay namatay.

Facebook Comments