Umabot na sa 12 ang bilang ng nasawi habang tatlo naman ang kasalukuyang nawawala sa lalawigan ng Rizal dahil sa Bagyong Enteng.
Ito ay batay sa pinakahuling datos na ibinigay sa atin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Rizal sa ginaganap na situation briefing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga.
Umakyat na rin ₱314-M ang halaga ng napinsalang imprastraktura sa lalawigan kung saan may 456 kabahayan ang nasira habang ₱30-M naman ang pinsala sa agrikultura.
Samantala, nasa 59 na evacuation center pa ang kasalukuyang ginagamit sa Rizal kung saan nasa kabuuang 10,313 ang pamilyang inilikas o katumbas ng 33,490 na indibidwal.
Facebook Comments