Kwinestyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging malawakang pagbaha sa lalawigan ng Rizal noong kasagsagan ng Bagyong Enteng.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi naman gaanong binabaha ang malaking bahagi ng Rizal, pero bakit ngayon ay biglang tumaas ang tubig
Tinukoy rin ng pangulo na overpopulation ang isang sanhi ng matinding pagbaha sa lalawigan.
Posibleng natakpan o natayuan na aniya ng mga bahay ang mga dating daluyan ng tubig at estero, gayundin ang mga kagubatan.
Kaugnay rito, muling iminungkahi ng pangulo ang pagtatayo ng weirs na magpapabagal sa pagragasa ng tubig.
Sinabi naman ni Rizal Gov. Nina Ynares na isa ring sanhi ng pagbaha ang mga isyu sa kapaligiran at pagtatapon ng basura.
Facebook Comments