Lalawigan ng Rizal, paglalaanan ng mas maraming suplay ng bakuna kontra COVID-19

Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 ang paglalaan ng mas maraming suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay NTF Chief implementer at vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 1-million doses ng bakuna ang ilalaan sa Rizal ngayong Oktubre sa ilalim ng “recalibrated-vaccination strategy.”

Sa naturang istratehiya, ituturing na vaccination cluster ang National Capital Region, CALABARZON at Central Luzon.


Paglilinaw naman ni Galvez na layon ng hakbang na maging pantay ang pagbabakuna sa lalawigan ng Rizal sa Metro Manila.

Sa ngayon, handa na ang Rizal sa pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 anyos.

Facebook Comments