Lalawigang Pangasinan Bird Flu-Free ayon sa OPVet!

Pinawi ni Dr. Eric Jose Perez mula sa Office of the Provincial Veterinarian ang pangamba ng mga miyembro ng provincial board at mamamayan ng lalawigan patungkol sa bird flu outbrake.

Nilinaw ng OPVet na bagamat malapit ang Pampanga sa lalawigan ay wala dapat ikaalarma dahil mahigpit ang kanilang monitoring and animal checkpoints sa lalawigan upang maiwasang makapasok ito. Bukod pa ito sa kautusang ibinaba ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture na pagpapahinto ng pag-angkat ng mga ibong domestic at wild, karne, sisiw, at itlog mula sa apektadong lugar ng avian influenza sa buong kapuluan.

Matatandaang inanunsyo ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa kanyang pagbisita sa probinsya noong August 11 ang patungkol sa bird flu outbreak case sa San Luis, Pampanga kung saan apektado ang humigit kumulang 200,000 na mga manok at pato.


Siniguro din ng OPVet na may sapat na supply ng mga manok ang probinsya at walang dapat ikabahala. Hinikayat naman ng mga opisyales ng lalawigan na maging kalmado, mapagmatyag, panatilihin ang kalinisan at malakas na resistensya ng mga pangasinense.

[image: Inline image 1]

Facebook Comments