LALONG LUMAKAS | Bagyong Domeng, nakalabas na ng bansa

Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Domeng’.

Alas-9:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 1, 045 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.

Lalo pa itong lumakas taglay ang hanging aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugsong 145 kph na kumikilos sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 37 kph.


Pero kahit nakalabas na ng bansa, patuloy na uulanin ang western section ng central at southern luzon dahil pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat.

Nakataas na ang red rainfall warning sa Cavite; yellow warning level naman sa Tarlac, Batangas at Laguna habang nakakaranas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Rizal, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Quezon Province at Pampanga.

Facebook Comments