Manila, Philippines – Lalong nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mining operations matapos malaman ang nangyaring landslide sa Naga City sa Cebu kahapon na ikinamatay ng hindi bababa sa 15 indibidwal at nagbaon sa mahigit 20 kabahayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lalong nabubuo ang pananaw ni Pangulong Duterte sa Mining na hindi nakabubuti sa bayan.
Sinabi ni Roque na ang nangyari sa Cebu ay posibleng epekto ng quarrying dahil ang Naga City sa Cebu ay hindi naman direktang tinamaan ng nagdaang bagyong Ompong.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na sa darating na Desyembre ay magdedesisyon ito kung tuluyan na bang ipagbabawal ang pagmimina o mas hihigpitan lang ang operasyon nito.
Nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Duteret ang mga nabiktima ng Landslide sa Naga City sa Cebu at inaasahang haharapin ni Pangulong Duterte ang mga evacuees sa lugar.