LALONG PAGBUBUTIHIN | Positibong ratings ng Duterte administration, magsisilbing inspirasyon ng gabinete ng pangulo

Manila, Philippines — Positibo ngayon ang Malacañang na nararamdaman na ng taong bayan ang mga ginagawa ng Duterte Administration na pagtutok sa mga polisiyang direktang makakaapekto sa mga mamamayan.
Ito ang naging reaksyon ni Communications Secretary Martin Andanar, makaraang pumalo sa record-high ang approval ratings ng Duterte Government sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Andanar, magsisilbing inspirasyon sa Gabinete ni Pangulong Duterte ang mga positibong ratings para lalong tutukan ang mga repormang ginagawa.
Dahil dito, tiniyak ni Andanar na lalo pang pagbubutihin ng pamahalaan ang performance para mapataas pa lalo ang net satisfaction ratings ng pamahalaan.

Facebook Comments