Lalo pang tumaas ang demand sa halal products sa bansa maging sa ibang bansa.
Ang halal products ay ang lawful o permitted products para sa mga kapatid nating Muslim.
Sa ngayon, nasa 1.9 billion ang Muslim population sa buong mundo at sa global market, inaasahang papalo ng hanggang sa $7.7 trillion ang halaga ng halal industry pagsapit ng 2025.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, umabot na sa 57 na bansa mula sa iba’t ibang kontinente katulad ng Asya at Africa ang may mataas na demand sa halal products.
Ang naturang produkto ay inaasahang patuloy pa umanong madadagdagan.
Ayon sa kalihim, kailangang samantalahin ng bansa ang potensiyal para sa halal industry.
Paliwanag niya, mas marami kasing mga namumuhunan ang magkaka-interest na pasukin ang naturang industriya kapag nakita nila ang potensiyal nito at makagawa ng maraming trabaho.