Manila, Philippines – Lalo pang tumaas ang inflation rate ng bansa ngayong buwan ng Setyembre.
Ibig sabihin nito, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa press conference ng Philippine Statistics Authority (PSA), kinumpirma ni Undersecretary Lisa Grace Bersales na pumalo na sa 6.7 percent ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre.
Ito na ang pinamabilis na pagtaas na naitala sa nakalipas na siyam na taon kung saan noong February 2009 naitala ang 7.2 percent na inflation sa bansa.
Sa data ng PSA, naitala ang pinakamataas na inflation rate sa Bicol na sumirit sa 10.1 percent habang pinakamababa ang Central Luzon na nasa 4.5 percent.
Mula sa 7.0% noong Agosto, bumaba sa 6.3 % ang inflation rate sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag ni Bersales, posibleng unti-unti nang umi-epekto ang ginagawang hakbang ng gobyerno para mapababa ng inflation sa NCR.
Maituturing na top contributor sa September inflation ang pagkain, non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, fuels at transportasyon.