Manila, Philippines – Para kay opposition Senator Antonio Trillanes IV, ang katatapos na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mistulang talumpati ng pangagampanya na ang natuwa lang ay mga alagad nito at yung mga madaling mauto o mapaniwala.
Kasabay nito ay binatikos din ni Trillanes ang laman ng SONA ng partikular ang pag amin nito na sya ay may pinatay noong mayor pa sya ng Davao at ang libu-libong namamatay sa war on drugs pero ang drug lord na si Peter Lim ay malaya pa rin.
Kinastigo din ni Trillanes ang pananatili sa gabinete ng mga makakaliwa kahit pa binigyang diin ng pangulo na galit sya sa komunistang grupo.
Giit pa ni Trillanes, walang kwenta ang pahayag ng pangulo na galit ito sa korapsyon dahil ito mismo ay korap at sa katunayan ay pinalaya pa si dating Pangulong Gloria Arroyo at inilagay sa libingan ng mga bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Trillanes, wala ding malinaw na anti-poverty /economic agenda sa SONA ng pangulo.
Hindi rin kumbinsido si Trillanes na galit sa pagmimina si Pangulong Duterte dahil hinayaan nito na hindi lumusot sa Commission on Appointment si dating Environment Secretary Gina Lopez na pinalitan pa niya ng kaalyado ni ginang Arroyo na si retired general Roy Cimatu.
Bad open mic performance naman para kay opposition Senator Risa Hontiveros ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte.
Diin ni Hontiveros, walang bagong binanggit ang pangulo kundi madulong gera kontra ilegal na droga, Martial Law, death penalty at ang matinding pagbalewala sa demokrasya at karapatag pantao.