Lamayan, Inararo ng Sasakyan!

Tabuk City, Kalinga- Sugatan ang labing apat (14) na katao na nakikipaglamay matapos na araruhin ng isang sasakyan bandang alas tres ng hapon kahapon partikular sa harap ng bahay ng pamilya Dulliyao sa kahabaan ng Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang mga sugatan na sina Gloria Lugao, 64 anyos, Victor Lugao, 64 anyos, kapwa residente ng Sunrise, San Juan, Tabuk City, Grandy Brioso, 29 anyos, resifente ng Laya West, Tabuk City, Mayani Baculi Paga, 32 anyos, Gretel Baculi Paga, 6 anyos, Chedri Tomas, 23 anyos, Myla Langkit, 39 anyos, pawang mga residente ng Brgy.Lacnog, Tabuk City.

Sugatan rin sa nasabing insidente sina Bernabe Dangangao, 64 anyos, Felipe Oban, 73 anyos, Mario Oddoc Jr., 48 anyos, taga Bulanao, Tabuk City, Clarita Dongdongan, 69 anyos, residente ng Pinagan, Tabuk City, Evelyn Conted, 66 anyos, Alfonso Walding, 46 anyos na kapwa residente ng Mabongtot, Lubuagan at David Bumakas, 64 anyos at residente naman ng Lubo, Tanudan, Kalinga.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Tabuk City, base sa kwento ng mismong driver ng Toyota Rush na may conduction sticker na A8R 960 na kinilalang si Aurora Amilig, 47 anyos, residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga ay nakaramdam umano ito ng pagkahilo kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng dumeretso sa mga naglalamay na nasa tabi ng daan.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments