Lambak ng Cagayan, Nakapagtala ng 11 Bagong Nasawi sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nadagdagan ng labing isa (11) na bagong nasawi sa COVID-19 ang naitala sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, umaabot na sa 982 ang kabuuang bilang ng namatay na kinapitan ng COVID-19 sa rehiyon kabilang na ang naitalang bagong mortality.

Kaugnay nito, mayroon namang 338 na naitalang panibagong positibong kaso at 235 na bagong gumaling sa nasabing sakit.


Nasa 3,147 naman ang bilang ng aktibong kaso o hindi pa gumagaling sa COVID sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 40,526 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Samantala, nangunguna ang Lalawigan ng Cagayan sa may pinakamaraming aktibong kaso na umaabot sa 1,266 habang pumapangalawa ang lalawigan ng Isabela na may 1,194; nasa 483 sa Nueva Vizcaya; 158 sa Quirino; at 46 na lamang sa Santiago City.

Nananatili namang COVID-19 Free ang Lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments