Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin nakakapagtala ng mga panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2; nasa 248 ang naitalang bagong tinamaan ng COVID-19 sa rehiyon, 192 ang bagong gumaling at mayroong siyam (9) na pasyente na binawian ng buhay.
Dahil dito, bahagya pa rin tumaas sa 2,367 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa kabila ng mga naitatalang gumagaling.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 57,841 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon na kung saan 53, 902 na sa mga ito ang fully recovered samantalang ang 1,556 sa mga ito ay namatay.
Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cagayan sa may pinakamataas na active cases ngayon na mayroong 1, 531, sumunod ang Isabela na may 498; nasa 276 pa sa Nueva Vizcaya; 49 sa probinsya ng Quirino; labing isa (11) sa Santiago City habang dalawa (2) naman sa Batanes.