Lambanog samples na nagpositibo sa mataas na lebel ng methanol, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng samples ng mga lambanog na nagpositibo sa mataas na antas ng methanol.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) officer-in-charge Director Eric Domingo – maaaring mayroon pang umiikot na toxic lambanog sa ilang lugar.

Aniya, dahil nakalagay lang sa transparent na bote ang mga ito, napakadaling pagkamalan na tubig ang lambanog at mainom lalo na ng mga bata.


Mayroon rin aniyang ibang sample na nakalagay lang sa bote ng lechon sauce.

Tiniyak rin ni Domingo na nakahanda ang mga ospital na tumanggap ng mga pasyenteng mabibiktima ng killer lambanog.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) – 19 na ang patay matapos makainom ng lambanog na may mataas na methanol sa Rizal, Laguna at sa Candelaria at Pagbilao, Quezon.

Facebook Comments