Lambda variant, hindi pa masabi kung mas mabilis makahawa at mas nakamamatay

Wala pang scientific evidences na makapagpapatunay sa ngayon na mas mabilis makahawa o mas nakamamatay ang Lambda variant kumpara sa Delta variant ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma na kasalukuyan pa kasi itong pinag-aaralan ng mga eksperto.

Kakaunti pa lamang aniya ang hawak na datos ng mga eksperto hinggil sa Lamdba variant dahil sa Peru at iba pang Latin American countries pa lamang ito na-detect.


Pero sa ngayon, ang Lambda variant aniya ay idineklara na bilang variant of interest ng World Health Organization (WHO) sapagkat sa Peru kung saan ito unang na-detect ay mataas ang naitatalang death rate dahil sa nasabing variant.

Naitala rin sa Peru na bumaba ang antibodies o efficacy ng bakuna sa Lambda variant.

Dito sa Pilipinas, wala pang naitatalang Lambda variant kung kaya’t pinaigting pa ang ating border control at ang PDITR strategy o (prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration) kasabay nang mabilis na pamamahagi ng bakuna upang tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments