Mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang COVID-19 Lambda variant na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa iba pang naunang variants.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, agad na aaksyon ang pamahalaan habang mino-monitor ang mga bagong sitwasyon ukol sa bagong variant.
Sinabi ni Roque na walang direct flight ang Pilipinas mula sa Latin America kung saan unang na-detect ang Lambda variant.
Para mapigilan ang pagpasok ng bagong variant sa bansa, sinabi ni Roque na magkakaroon ng uniforma arrival protocols para sa lahat ng Pilipino.
Ibig sabihin, ang mga bagong dating na Pilipino ay kailangang manatili sa government-accredited facility sa loob ng 10 araw habang kukuhanan sila ng swab sa ikapitong araw at ipagpapatuloy nila ang kanilang quarantine ng apat na araw sa kanilang bahay.