Lambda variant ng COVID-19, malaki ang potensiyal na maging variant of concern

Malaki ang potensiyal na maging isang variant of concern ang Lambda variant ng COVID-19 na unang na-detect sa Peru.

Paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, Chairman ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital, kapareho ng Lambda variant ang mutation ng Delta variant na unang na-detect sa India.

Inaasahan namang magiging mabilis ang pagkalat ng Lambda variant kumpara sa ibang variant at magiging panlaban din ito sa bakuna tulad ng nakita sa Delta at Alpha variant.


Sa ngayon, wala pang gaanong datos ang Lambda variant dahil ang mga bansa na nakaranas ng ganito ay ang South American countries tulad ng Peru at Argentina.

Nitong June 14, una nang itinuring na variant of interest ng World Health Organization (WHO) ang Lambda variant.

Mayroon nang naitalang kaso ng Delta variant sa Pilipinas kung saan ito ay isang 35-anyos na babae na kasalukuyang inaalam kung local o Returning Overseas Filipino (ROFs).

Facebook Comments