LAMPAS | Eroplano, lumampas sa runway ng Busuanga Airport

265

Busuanga – 4:39 kaninang hapon, lumampas sa runway ng Busuanga Airport ang papalapag na sanang eroplano na B461 jet.

Ito ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Spox Eric Apolonio, ay makaraang magkaroong ng runway excursion o ang pagkadulas ng eroplano, dahil sa malakas na ulan.

Gayunpaman, wala namang nasaktan sa 80 pasahero at 6 na crew, na naibaba na rin.

Sa ngayon ay nanatili pa sa dulo ng runway ang naturang eroplano na ino-operate ng Magnum Air Inc. (Skyjet).

Facebook Comments