Isa ang Zone 3, Barangay Amansabina sa Mangaldan ang mahigpit na tinututukan ng lokal na pamahalaan dahil isa ito sa nakararanas ng malalim na tubig baha tuwing may nararanasang kalamidad tulad ng bagyo.
Sa ngayon, nararanasan ang lampas tuhod na tubig baha sa lugar.
Ang iba sa residente hirap na makatawid sa binahang daanan ngunit mas pinipili pa rin na manatili sa kanilang mga tirahan.
Tulong tulong naman naglinis ang mga residente at opisyal ng barangay na alisin ang mga nakabarang basura at mga bato sa drainage canal upang pagdaluyan at maibsan kahit papaano ang tubig baha sa lugar.
Ayon sa isang opisyal ng barangay, madalas nilang tinitingnan ang mga residente na nakatira sa bahagi upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Sa ngayon, habang ginagawa ang balitang ito ay wala pang naitatalang lumikas sa nasabing purok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









