Pinangunahan ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Isidro Lapeña ang paglulunsad ng Liwanag At Malasakit Ramdam ang Asesnso at Ginhawa (LAMRAG) Project sa probinsya ng Leyte, Eastern Samar at Southern Leyte.
Ayon kay Lapeña, layunin nito na mabiyan ng kabuhayan ang mga residente para hindi na sila mahikayat na sumanib sa mga rebeldong grupo.
Sa ilalim ng programa, bibigyan ang mga residente ng kasanayan sa solar lighting systems ng Geographically Isolated Disadvantaged Areas (GIDAs) kabilang na ang mga barangay na tinukoy ng TESDA sa ilalim ng Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC).
Maliban dito, magbibigy rin ng skills training scholarship ang TESDA sa 1,768 na indibiduwal sa Eastern Visayas na nakatanggap ng Certificates of Land Ownership (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).