Umapela kay Presidente Rodrigo Duterte si Lanao del NorteProvincial Governor Imelda Dimaporo na alisin ang kanilang mga pangalan at mgakasama nitong mayor sa resolution ng National Police Commission na tanggalan sila ng kapangyarahin sa hanayng kapulisan at pinagbintangan pa na protector sila nga mga drug lord atsumusuporta sa Maute Group.
Tinawag na unfair ni Governor Dimaporo ang inilabas naresolusyon ng NAPOLCOM dahil malaki ang kanyang paniniwala na walang basihanang ahensya sa pagpalabas ng nasabing alegasyon lalong-lalo na umanoy protectorsila ng mga drug lord.
Ayon kay Dimaporo, ginagawa nila ang lahat sa probinsyang lanao del norte para hindi masira ang kanilang relasyon sa hanay ngkapulisan kung saan katuwang nila ito sa pagpapatupad ng seguridad saprobinsya.
Inaasahan ni Dimaporo na mabigyan ng aksyon ng panguloang kanyang apela sa pamamagitan ng pag-validate at pag-imbestiga sa naturangresolusyon sapagkat pawang na demoralize na ang kanilang mga pangalan dahil samga maling akusasyon.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)
| | Virus-free. www.avast.com |