Lanao del Sur, inilagay sa MECQ; Metro Manila at iba pang lugar, mananatili sa GCQ

Ipatutupad ng pamahalaan ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na community quarantine classifications sa ilang lugar sa bansa.

Sa pulong ng IATF, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na magtatagal ang bagong quarantine status sa loob ng isang buwan na magsisimula sa Huwebes, October 1 hanggang October 31.

Ang Lanao del Sur kabilang ang Marawi City ang tanging nasa ilalim ng mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Mula sa MECQ, ang Iloilo ay ibinaba na sa General Community Quarantine (GCQ) kasama ang Batangas, Tacloban City, Bacolod City at Iligan City.

Napagpasyahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili rin sa GCQ ang Metro Manila.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Facebook Comments