Lanao del Sur, Philippines – Nagdeklara ng giyera ang 41 alkalde ng Lanao del Sur laban sa Maute group.
Pinirmahan ng mga alkalde ang manifesto na nagsasabing kalaban ng mga taong Maranao ang grupo ng Maute at mga tagasuporta nito.
Hiniling naman nila kay Pangulong Rodrigo Duterte, na payagan ang kanilang mga opisyal sa barangay na magdala ng baril para labanan ang mga terorista na maaaring umatake sa mga bayan ng probinsiya sa labas ng Marawi.
Ayon kay Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng provincial crisis committee, pinapakilos na ng lokal na gobyerno ang lahat ng sektor at stakeholder para magsanib-puwersa sa paglaban sa teroristang grupo.
Facebook Comments