Land at sea trips papuntang Visayas at Mindanao, sinuspinde muna dahil sa Bagyong Bising – DOTr

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng land at sea travels papuntang Visayas at Mindanao dahil sa banta ng Bagyong Bising.

Ang hakbang na ito ay batay sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5, at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa DOTr, sakop ng suspensyon ang land transport at sea vessels kabilang ang mga fishing vessel na manggagaling sa Matnog Port sa Sorsogon province at iba pang bahagi ng Bicol Region.


Pinayuhan ng kagawaran ang mga trucking at logistics companies at buses na ipagpaliban ang kanilang mga biyahe para maiwasan ang mahabang pila sa Matnog, Sorsogon patungong Daraga, Albay.

Inatasan din ng DOTr ang attached agencies nito tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang travel suspension.

Facebook Comments