Land Bank cash cards para sa mga estudyante na SAP beneficiary, sinimulan nang ipamahagi ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Sinimulan na ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng cash cards sa mga estudyante na makakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program for students.

May 7,266 na PLM students na residente ng Maynila ang makakatanggap na ng monthly allowance sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines.

Kasunod ito ng pag-apruba ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglalabas ng cash grants.


Naglalaman ang cards ng allowance mula January hanggang March ngayong taon habang ang mga susunod na benefits ay direkta nang ililipat sa kanilang mga bank account.

Ang bigay na SAP ng Manila City Government sa mga estudyante na residente ng lungsod ay iba sa household-based SAP na bigay ng National Government sa panahon ng lockdown period.

Facebook Comments