Hinihintay pa ng Land Bank of the Philippines (LandBank) ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na payagan silang ipagpatuloy ang distribusyon ng fuel subsidies sa mga operator’s ng pampasaherong sasakyan.
Ayon sa Landbank na gumagawa na ng hakbang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para payagan sila sa distribuyson ng fuel subsidy.
Matatandaang nagpatupad ang COMELEC ng election spending ban na nakasaad sa pagsasagawa ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Noong September 8 ay inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglabas ng ₱3-B na pondo para sa nasabing programa dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Facebook Comments