Pinangunahan ni Land Bank of the Philippines President and CEO Cecilla Cayosa Borromeo ang pagpapasinaya ng bagong LANDBANK Leadership and Development Center (LLDC) sa Intramuros, Maynila.
Ang nasabing pasilidad na may siyam na traiming rooms ay itinayo para in-house learning at development programs para sa mga empleyado kung saan nasa 200 indibidwal ang kayang i-accommodate nito.
Mayroon din itong karagdagang kwarto para sa iba pang empleyado ng LANDBANK na magmumula naman sa labad ng Metro Manila gayundin sa mga trainers at facilitator.
Bukod dito, inilusad rin ang Iskolar ng LANDBANK program kung saan nasa P128 milyon pondo ang inilaan ng LANDBANK para sa 360 scholars mula 2023 hanggang 2028.
Ilan naman sa mga kukunin sa nasabing Iskolar ng LANDBANK program ay pawang mga dependent ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at mga malilit na magsasasaka kabilang ang mga mangingisda sa buong bansa.
Kada taon ay nasa 60 scholar ang susportahan ng LANDBANL kung saan makakatanggap sila ng P100,000 kada taon hanggang 2028.
Nabatid na target ng LANDBANK na makapagtapos ng 600 na scholar kasama ang ilan sa dating scholarship program ng naturang bangko.
Ilan naman sa dumalo sa programa ay sina Manila City Vice Mayor Yul Servo, Rosalia de Leon, Treasurer of the Philippines at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Emmanuel Leyco kung saan ang aktibidad ay bahagi ng nalalapit na ika-60 anibersaryo ng LANDBANK sa darating na buwan ng Agosto.