Land Bank of the Philippines, natulungan ang Bohol na dating “gloomy ghost town”, na makaranas ng kaginhawaan

Bago maging isang ganap na munisipalidad, inilalarawan ng mga Boholanos bilang isang “gloomy ghost town” ang Bohol dahil tanging ilaw lamang ng mga mangingisda at lampara ng mga kabahayan ang tumatanglaw sa dilim.

Ngunit sa tulong ng Land Bank of the Philippines (Landbank), nabigyan ng pagkakataon ang mga Boholanos na makaranas ng kaunting kaginhawaan.

Sa pamamagitan ng 55 milyong pisong utang mula sa Landbank, nagkaroon ng Landing Craft Transport sea vessel ang probinsya na gagamitin ng mga residente bilang gabay sa pagtungo sa ibang lugar.


Kaya nitong February 4, 2019, nagsimula na ang serbisyo nito sa mga residente na naging tulong sa probinsya hindi lamang para sa kabuhayan ng mga ito kundi sa turismo ng lugar.

Ayon kay Bohol Municipal Mayor Fernando Estavilla, malaki ang pasasalamat niya sa Landbank dahil sa tulong nito sa kanilang lugar.

Malaki rin aniya ang benepisyo nito sa mga residente dahil nabigyan ang aabot sa 35 katao ng trabaho para magbantay sa mga port sa Barangay Popoo at sa mga sasakyang pandagat.

Para sa iba pang impormasyon sa Landbank’s Lending Programs, magtungo lang sa pinakamalapit na Landbank Lending Center o makipag-ugnayan sa customer service hotline na (02) 8-405-7000.

Facebook Comments